A Glimpse of Love
"Kung bibilangin ko ang bawat segundo ng pagtulala ko sa langit kasing dami ito ng mga panahon na iniisip kita."
Punong puno ng pinagsamahang isang sakong asukal at labing isang lata ng minatamis na gatas ang puso ko ngayon. Mga ilang hain ng fruit salad ang katumbas nito.
Kung bibilangin ko ang bawat segundo ng pagsulyap ko sa bituin Kasi dami ito ng mga panahon na nasa panaginip kita. Palaging tayong dalawa ang bida.
Tumatakbo sa kalawakan ng kawalan.
Tumatakas sa kung ano ang husga ng iba.
At tumatalon ang puso ko dahil magkahawak ang kamay nating dalawa.
Bumabalik lahat ng ala ala.
Sa kung paano mo sinuong ang mga hampas ng tadhana.
Sa kung paano mo pinatunayang mahal mo nga akong talaga.
Bumabalik lahat ng ala ala.
Binigyan mo ako ng Isang tangkay ng pulang rosas na ang sabi mo ang ibig sabhn nito'y ako lamang.
Tatlong piraso ng tsokolate na ang sabi mo ang ibig sabihin nito'y matamis nating pagtitinginan.
Isang kwaderno na may kasamang lapis na ang sabi mo ang ibig sabihin nito'y mga magagandang ala ala.
Isusulat nating dalawa ang mga magaganda nating ala ala.
Simula sa...
Unang sulyap
Unang ngiti
Unang kamustahan
Unang pagkain ng sabay
Unang paglalakad ng sabay
Unang paguwe ng sabay...
At pangalawa, pangatlo, pang- apat...
Hanggang sa nasanay ako na kasama ka sa lahat ng ito.
At Napatunayan kong mahal din kita.
Kaya sasabayan kitang lumangoy kahit hindi ako marunong lumangoy.
At sasabayan kitang kumanta kahit hindi ako marunong kumanta.
Ang mga saliw ng mga lumang awitin na nagpapahiwatig na may wagas at kailanpaman. Ang mga inukit nating mga pangalan sa matandang puno na patunay ng walang hanggan.
Ang pakiramdam ko ngayo'y parang isang malaking tambakan ng napakaraming masasayang araw ang utak ko.
Mukang kulang ang isang utak para sa lahat ng ito.
Pero bigla akong napapikit ng sandali.
At bigla ako dinala ng tadhana sa isang bagong pahina.
Pinaalala sa akin kung nasaan na ba ako ngayon.
Nabalot ng luha ang aking mga mata.
Napagtanto ko na...
Masaya ka na nga pala sa iba.
At ako naman ay naghihitay sa kung sino ang bubuo...
Sa mga bagong ala ala.